Tubbataha Reef
Ang "Tubbataha Reef" o Bahurang Tubbataha sa wikang Filipino ay matatagpuan sa Dagat ng Sulu malapit sa probinsya ng Palawan. Idineklara itong isang World Heritage Site ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO). Ito rin ay lubos na pinangangalagaan sapagkat ito ay likas na yaman ng ating bansa. Naitala din ito sa "Seven Wonders of Nature" kung saan natatala at nababalita ang mga lugar na may kamangha-manghang ganda.
|
San Agustin Church
Ang Simbahan ng San Agustin ay isang simbahang Romano Katoliko sa ilalim ng Orden ng San Agustin na matatagpuan sa loob ng Intramuros sa Maynila. Itinayo ito sa panahon ng Kastila. Idinisenyo ayon sa ilan sa mga magagandang mga templo na pinatayo ng mga Agustino sa Mexico.Dahil sa kahanga-hangang istruktura nito marami ang nais bumisita sa simbahang ito, gayundin marami ang nais na idaos ang kanilang kasal sa nasabing simbahan.
|
Mayon Volcano
Malapascua Island
Puerto Galera
Subterranean River
Ang "Puerto Ptincesa Underground River" ay idineklarang isang UNESCO World Heritage Site at kabilang sa "New Seven Wonders of Nature" na matatagpuan sa Palawan. .Matatagpuan ang pasukan patungo sa ilog na nasa ilalim ng lupa sa isang bayang mula sa Sabang. Makikita dito ang nagagandahang mga yungib na may kakaibang uri at hugis ng mga bato
|
Donsol, Sorsogon
Boracay
Ang Boracay ay isang tropikal na pulo sa Panay sa Silangang Visayas. Dinarayo ito ng mga turista lalo na kapag baksyon dahil ito ang sinasabing pinakamagandang baybayin sa mundo dahil sa malagatas sa puti nitong buhangin. Ang nakapaligid ditong tubig ay mababaw at ang buhangin ay mas mapino at maliwanag sa ibat-ibang baybayin sa kapuluan.
|
Chocolate Hills
Ang "Chocolate Hills" na matatagpuan sa Bohol ay tanyag dahilMayroon tinatayang 1,260 mga burol subalit maaaring nasa 1,776 ang mga burol ang nakakalat sa kabuuang lupanito. Nababalot ito ng mga luntiang damo ang burol at nagiging kulay tsokolate kapag tag-araw kaya nagmimistulan itong tsokolat na nagsisilbing atraksyon sa mga dayuhang turista dito sa bansa
|
Banaue Rice Terraces
Ang Hagdan-hagdang Palayan o "Banawe Rice Terraces" ang Ikawalo sa PInakakahangahangang Lugar sa Mundo. ito ay nabuo gamit lamang ang kamay ng mga ninuno ng mga katutubong Batad. Ito ay matatagpuan sa bulubundukin ng Ifugao , Apayao at Benguet. Dinarayo ito sa angking ganda nito lalo na sa tuwing kulay luntian ito sa panahon ng kanilang pagtatanim.
|